Tuesday, May 26, 2009

PACQUAIO DERBY NGAYON SA ARANETA

80 SULTADA TAMPOK SA PACQUIAO DERBY NGAYON SA ARANETA COLISEUM

Ilan sa mga pinakahihintay na mga banggaan ng mga pinakamagagaling na manok-panabong at pinakasikat na mga sabungero ang mapapanood ng mga opisyonado sa araw na ito sa Araneta Coliseum sa pagratsada ng bigtime event na “Pacman Prestige Cup” 5-Cock Derby na pasabong ng pambansang kamao at kinilala bilang Pound-for-Pound King ng boksing sa buong mundo na si Manny Pacquiao, sa pakikipagtulungan ng Thunderbird Bexan XP.

“Patibayan ng dibdib ito. Matira ang matibay”, sambit ng beteranong derby matchmaker na si Nestor Paradillo.

Sa mahigit 70 sultada na nakalinya, pinakaabangan ang mga mga harapan Chavit Singson vs. Bong Pineda; Sonny Lagon vs. Patrick Antonio; Boy Marzo vs. Gov. Ito Ynares; Vice Mayor Nestor Mercado vs. Pol Estrellado; Dicky Lim vs. Marcel Julao; Allan Siaco/James Uy vs. Boy Lechon; Butch Pichay/Rey Briones vs. Jun Santiago; Wackee Salud vs. Boy Royo at Jun Topacio vs. Ronnie Puno.

May entry fee na P110,000, tinatayang aabot sa P7 milyon ang kabuuang premyo, samantalang ang pinamaliit na parada ay P55,000.

No comments:

Post a Comment

SABONG IS HERE TO STAY

SABONG IS HERE TO STAY
COCKFIGHTING FOREVER